Wiser DishKunin ang app

Paglipat ng mga recipe sa bagong phone

Walang account ang Wiser Dish at sa phone mo lang nito iniimbak ang mga recipe mo. Para ilipat ang mga ito sa bagong phone, gumamit ng backup file.

  1. Sa lumang phone, buksan ang Mga setting, pumunta sa Backup at i-tap ang I-export lahat ng recipe. Gagawa ito ng isang file na may mga recipe mo.
  2. Ipadala ang file sa sarili mo, halimbawa sa email, o i-save ito sa cloud storage mo.
  3. Sa bagong phone, i-install ang Wiser Dish, buksan ang Mga setting, pumunta sa Backup at i-tap ang I-import mula sa file.

Laging nagdadagdag ng bagong recipe ang pag-import at hindi kailanman binabago ang mga recipe na mayroon ka na.

Magtago ng bagong backup sa ligtas na lugar. Kapag nawala o na-reset ang phone mo, ang backup file ang tanging kopya ng mga recipe mo.

Hindi mo nakita ang sagot? Makipag-ugnayan sa amin